Tuesday, August 16, 2011

repost: maningning's berso #2

she could still be writing excellent poetry if she didn't end her life. she was so young. nakakapanghinayang talaga.

Berso #2
ni Maningning Miclat

Dumaan ako sa tahimik na ilog,
Ang buong mundo ay parang natutulog
Kung may bunga mang sa tubig ay mahulog
Parang ang puso ko itong nadudurog. Kung mag-isa ako huwag nang isipin
Sa dilim ay dapat pa akong hanapin
Habang may luha ay huwag pang ibigin
Sa pangarap ko ay huwag nang gisingin. Kaya kong maghintay sa mga tula mo
Marinig sa ]awit ng kabilang dako
At tuklasin sa paglalakad na ito
Hamog at luha ng bulaklak at damo. Mapapanood ang sayaw ng tutubi
Mapapakinggan ang ibong humuhuni
Hihinahon ang pusong di mapakali
At hihimlay na sa mapayapang gabi.

Dumaan ako sa tahimik na ilog,
Ang buong mundo ay parang natutulog
Kung may bunga mang sa tubig ay nahulog
Parang ang puso ko nga itong nadudurog.

No comments: